a
a
...oh dinuguan, my lab. Heehee!
At may bonus pang pandesal!
a
a
Binili namin ito sa isa sa mga tindahan sa recreation hall sa likod ng simbahan.
a
a
Sayang nga eh, sana pala yung puto na lang ang binili namin imbes na pandesal. Di bale, next Sunday na lang.
a
a
Nakakatuwa kasi ang daming nagtitinda ng mga pagkaing Pinoy dun sa hall. May menudo, pork steak, pancit bihon, kutsinta...meron pang isang sari sari store na may Chocnut, Flat Tops, Chippy, Knorr Sinigang Mix, Mama Sita's, Tender Juicy hotdog at kung anu-anu pa! May kamahalan nga lang ang mga tinda nila pero hindi na yun nakapagtataka kasi bihira lang makakita ng mga ganun dito sa Bangkok.
a
a
Sa sobrang tuwa ko, gusto ko bumili kay ate pero iniwasan ko yung Chocnut at mga chicherya kasi nagpapapayat ako. Kaya, ito na lang ang binili namin...
a
a
Barrio Fiesta bagoong. Tamang-tama kasi may kare-kare mix ako sa bahay.
a
a
At ang hatol namin sa dinuguan: masarap sya, walang taba at lamang-loob. Hindi nga lang namin alam kung sadyang masarap ba sya o nasasarapan lang kami kasi miss na namin ang dinuguan. Pero isa lang ang masasabi ko -- wala pa ring tatalo sa luto ng nanay ko!
a
a
Bow.
No comments:
Post a Comment